^

Punto Mo

‘Tulay’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG magising ako, nasa isang room na ng provincial hospital. Masakit ang aking katawan lalo na ang likod at tagiliran. Hindi ako makakilos. Binabantayan ako ng aking ama at ina.

Sabi ng aking ina, himala raw ang nangyari sa akin sapagkat ang dalawang kasama ko na naliligo sa ilalim ng tulay ay nabagsakan ng nasirang tulay at namatay. Ang ikatlo ay sugatan at nasa ospital din na kinaroroonan ko.

Sabi pa nina Inay at Itay, kung hindi raw ako naipit ng dalawang sako ng kopra ay baka tinamaan ako ng kahoy mula sa tulay. Nasangga ng sako ng kopra ang kahoy na bumagsak.

Sabi ni Inay, ikalawang buhay ko ang pagkakaligtas. Mahal daw ako ng Diyos kaya nakaligtas sa trahedya.

Totoo ang sabi ni Inay. Maaring namatay nga ako sa pangyayaring iyon pero dahil naalala ko ang Diyos sa gitna ng panganib, niligtas Niya ako. (Itutuloy)

BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with