^

Punto Mo

‘Tulay’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPUTOL ang tulay na kahoy bago pa nakatawid ang trak na may kargang kopra na kinasasakyan ko. Nasa itaas ako at nakatayo sa mga sako ng kopra nang mangyari ang pagbagsak.

Isang malakas na tunog ang narinig ko at kasunod niyon ang pagdagan sa akin ng mga sako ng kopra. Hindi ako makakilos sa sobrang bigat ng mga kopra.

Kasunod ay naramdaman kong nasa tubig na ako pero nakadagan pa rin sa akin ang mga sako ng copra. Hindi pa rin ako makagalaw. Ang mga kamay at paa ko ay naipit ng mga sako.

Naramdaman kong palubog ako nang palubog sa tubig. Madilim na madilim dahil sa dami ng mga sako ng copra na nakapaligid sa akin.

“TULUNGAN N’YO AKOOOO!”

Sigaw ko habang unti-unting ­nilalamon ng tubig.

Subalit tila walang nakaririnig sa sigaw ko.

Noon ko naalalang magdasal sa Diyos. (Itutuloy)

BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with