^

Punto Mo

‘Tulay’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 2)

DAHIL naging mababaw na ang tubig sa ilalim ng tulauy na kahoy, marami nang sasakyan gaya ng mga trak na naghahakot ng kopra at palay ang duma­daan. Marami na ring mga karton na hila ng kalabaw na naghahakot ng mga saging­. Sa mada­ling sabi, naging­ busy ang tulay na kahoy.

Kapag araw ng tiyangge sa bayan ay mas marami ang nagdaraang dyip na nagdadala ng mga panindang gulay at prutas.

Kahit naging busy ang tulay, hindi naman natigil ang aming paliligo sa ilalim ng tulay. Tumatalon kami mula sa tulay at bumabagsak sa tubig na noon ay lampas tao ang lalim. Dati, dalawa hanggang tatlong lampas tao ang lalim ng tubig.

Isang tanghali, sunud-sunod ang pagdaan ng mga trak na naghahakot ng kopra para dalhin sa bayan.

Dahil sobra ang likot namin ng aking mga kaibigan, nagsampahan kami sa ibabaw ng trak at mula roon ay tatalon sa tubig. Tumatakbo nang marahan ang trak sa tulay.

Hindi namin naisip ang panganib sa pagtalon. Sumi­sigaw pa kami sa sobrang saya sa ginagawa.

(Itutuloy)

KAHOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with