Flocerfida (255)
“NAGKAROON siya ng interes nang sabihin ko na marami akong alahas. Sana hindi ako naging madaldal at mayabang na rin. Para bang natakawan siya sa alahas,’’ sabi ni Kikoy.
“Puwede ang sinabi mo Tito—kaya halos ipag-alukan na ang sarili at puri. Tiba-tiba nga naman siya kapag nagkaroon kayo ng relasyon. Hindi na siya mahihirapan na makuha ang mga alahas,’’ sabi ni Dang na nag-aalala.
“Nagsisisi talaga ako kung bakit nasabi ko na marami akong alahas.”
“Huwag mo nang sisihin ang sarili at nandiyan na yan, Tito.”
“Hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko, Dang. Isang linggo na akong nag-iisip.”
“Napansin ko nga Tito. Lagi kang nakatingin sa kawalan at balisa.”
“Napansin mo pala ang kilos ko.”
“Sa tagal na rin ng pagsasama natin Tito, kabisado ko na ang ugali mo.”
Napatungo si Kikoy.
Biglang may naimungkahi si Dang.
“Mag-resign ka na sa trabaho mo Tito para makaiwas sa Malou na yun. Hindi naman tayo magugutom dahil marami tayong alahas.”
Natigilan si Kikoy.
(Itutuloy)
- Latest















