^

Punto Mo

Ang ibinulong ng alipin sa hari

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG kakaiba at nakagugulat na kuwento ang bumabalot sa buhay ni Haring Philip II ng Macedonia, ang ama ng dakilang mananakop na si Alexander the Great.

Isang araw, pinanonood ng hari ang pagbebenta ng mga bihag ng digmaan bilang alipin. Nakaupo ang hari sa mismong harapan ng mga ibinebenta na tila walang pakialam sa mga matang nakatutok sa kanya.

Ngunit may isang nakahihiyang pangyayari.

Sa suot na mahabang tunic na kagaya ng palda?ahil hindi pa uso ang pantalon noon?y hindi namalayan ni Haring Philip na nahila paitaas ang kanyang damit. Sa gitna ng publiko, nasagi ang dangal ng hari nang masilip ang kanyang pribadong bahagi.

Napansin ito ng isang alipin na nasa harapan ng hari. Sa halip na pagtawanan ang pinuno, lumapit ang alipin at nakiusap sa guwardiya na may ibubulong lamang siya. Isang lihim na maha?aga at personal. Nang siya’y payagan, ibinulong nito:

“Mahal na Hari, ibaba po ninyo ang inyong kasuotan… nasisilip na po ang inyong katawan.”

Sa halip na magalit, namangha ang hari. Para kay Haring Philip, ang ginawa ng alipin ay hindi kawalang-galang, kundi patunay ng katapatan at respeto. Isang bihirang asal mula sa isang bihag.

At dito naganap ang hindi inaasahan. Agad na ipinagkaloob ng hari ang kalayaan ng alipin. Sa kanyang paniniwala, ang taong marunong mag-ingat sa dangal ng iba, lalo na ng kanyang pinuno ay higit na karapat-dapat sa kalayaan kaysa ikulong ito sa pagkaalipin.

Bagama’t itinuturing ng mga historyador bilang alamat o anekdota ang kuwentong ito, malinaw ang mensahe: Ang dangal at katapatan ay maaaring magpalaya?ahit sa pinaka-di-inaasahang sandali. At marahil, sa ganitong uri ng pamumuno nagsimula ang paghuhubog sa katauhan ng anak niyang si Alexander the Great.

HARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with