^

Punto Mo

‘Tulay’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDING-HINDI ko malilimutan ang naging karanasan sa lumang tulay na kahoy sa aming barangay noong dekada 70. Nasa high school ako ng mga panahong iyon. Ang tulay na kahoy ay itinayo pa umano noong 1960.

Ang tulay ang tanging dinadaanan para makatawid sa ilog. Malalim ang ilog kaya kailangang magdaan sa tulay na kahoy. Lubhang delikado kapag nahulog sa ilog sapagkat napakalalim. Sa lalim ng ilog, kulay berde ang tubig.

Kaya marami ang nag-iingat sa pagtawid sa tulay. Kapag umuulan, sobrang dulas ng tulay dahil sa lupa na naiipon doon. Marami rin kasing dumadaan na hayop doon gaya ng kalabaw na gamit ng mga magsasaka.

Ayon sa aking ama, primerang klase ng kahoy ang ginamit sa tulay kaya hindi basta-basta masisira. Makapal ang kahoy na hindi inaanay o nabubulok. Ayon pa sa aking ama, iyon ang kauna-unahang tulay na naitayo sa barangay.

Lumipas ang panahon, ang ilog ay naging? mababaw dahil sa mga nasasadlak na lupa at bato galing sa bundok. Kapag bu?abaha, tinatangay ang mga natumbang niyog at saging at naipon sa ilalim ng tulay.

Hanggang tuluyan nang naging mababaw ang parte ng ilog.

Ikinatuwa naman iyon ng iba, katulad ko dahil maari nang dumayb mula sa tulay patungo sa ilog.

Kapag summer, ang tulay ang naging playground ng mga ka?ulad ko. Walang tigil ang pag?ayb namin sa ilog. Napakalamig ng tubig. (Itutuloy)

TULAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with