^

Punto Mo

Firecracker ­injuries, mababa ng 42% ­ngayong 2026! – DOH!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SADYANG matigas ang ulo ng mga Pinoy at ayaw pa rin paawat sa pagpapaputok ng legal o illegal man na firecrackers tuwing pagsalubong ng Bagong Taon. At dahil dito, mahigit 200 na Pinoy, karamihan ay mga kabataan, ang itinakbo sa ibat’ ibang ospital ng Pinas upang magpagamot ng sugat dulot ng paputok. ‘Di na natuto!

‘Di pa kasali d’yan ang mga biktima ng stray bullets at indiscriminate firing. Kaya’t tama lang ang puna ng Department of Health na maaring tumaas pa ang bilang ng namatay o sugatan sa New Year revelry dahil maraming area pa ng Pinas ang hindi nakapagsumite ng report patungkol sa firecracker injuries.

Kung sabagay, ang figure ng DOH ay mas mababa sa mahigit na 800 firecraker injuries sa pagsalubong ng taong 2025. Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa talaan ng DOH, mula December 21 hanggang sa kasagsagan ng Bagong Taon, umabot lang sa 235 ang kaso ng fireworks-related injuries (FWRIs) sa Pinas.

Ayon sa DOH ang kaso ng FWRI ay 42 percent na mas mababa kumpara sa mahigit 400 FWRI na kaso noong nakaraang taon. Karamihan sa mga biktima ay nasa edad na 19 pababa, at ang kalimitang nagdulot ng injuries ay boga at 5-star firecrackers.

Subalit, ayon sa DOH, inaasahan pang madadagdagan ang bilang ng FWRIs dahil patuloy pa ang ahensiya sa surveillance hanggang January 5. Pinaalalahanan naman ng DOH ang mga nagtamo ng FWRIs na magpagamot agad-agad sa mga ospital at kung kinakailangan ay magpaturok ng anti-tetanus vaccine.

Nagbabala ang DOH na ang tetano ay nakakamatay kaya’t ang payo nila sa mga biktima ay huwag balewalain ang sugat dulot ng paputok. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ipinaliwanag naman ng DOH na kahit katiting lang ang sugat na dulot ng paputok, dapat gamutin kaagad ito sa malapit na ospital para maiwasan ang tetano para mailayo sila sa disgrasya.

Iginiit pa ng DOH na walo hanggang 21 araw matapos magtamo ng sugat bago lumabas ang sintomas ng tetano. Sanamagan! 

Sinisigurado ng DOH na may libreng anti-tetanus vaccine naman sa lahat ng pampublikong ospital kaya hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa ang mga biktima ng paputok bago magpaturok nito para sa kanilang kaligtasan. Eh di wow!

Bukod sa FWRI, nakapagtala din ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng anim na kaso ng firecracker-related fires ngayon Disyembre. Kaya lang medyo malaking halaga ng properties ang nasunog sa Pasay, Mandaluyong at iba pang lugar sa Metro Manila. Tsk tsk tsk!

Hindi maganda ang pasok ng 2026 sa mga nasunugan, ‘no mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!

Kung mabilis maglabas ng injury at fire figures ang DOH at BFP, kabaligtaran naman ang PNP natin. Hanggang 1:30 p.m. kahapon, hindi pa nakumpleto ang detalye ng PNP hindi lang sa firecracker injuries, kundi maging sa stray bullets at indiscriminate firing.

Kaya pagdamutan n’yo muna itong detalye ng DOH at BFP mga kosa. Purbidang yawaaahhh! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

FIRECRACKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with