^

Punto Mo

Mga sikretong galaw ng isip

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Mas nagiging totoo ang sagot kapag puyat.

Kaya sa mga inuman o late-night kuwentuhan, mas luma­labas ang sikreto at totoong saloobin.

2. Mas nakakakaba ang “seen zone” kaysa sa direktang pagtanggi.

Ang walang reply ay mas masakit kaysa sa klarong “ayoko.”

3. Mas nahihiya ang isang tao kapag tahimik ang kausap.

Ang awkward silence ay madalas iniisip bilang “may nasabi akong mali.”

4. Mas madaling ma-attach kapag pa-mysterious ang kausap.

Kapag hindi klaro kung may gusto ba siya o wala ay nagiging exciting sa isip—lalo sa ligawan.

5. Mas nagiging masipag ang tao kapag may nanonood.

Kaya mas mabilis magtrabaho ang estudyante o empleyado kapag may bantay o may makakakita.

6. Mas madaling magtiwala  sa magalang magsalita.

Ang “po” at “opo” ay may psychological effect na nagpapataas ng credibility.

7. Mas malakas ang epekto ng boses kaysa itsura.

Kahit hindi ka kagwapuhan, kung maayos at kalmado ang tono mo, mas nagiging kapanipaniwala ka.

8. Mas naaalala natin ‘yung mga taong hindi tayo pinili.

Ang rejection ay mas tumatatak sa memory kaysa sa acceptance dahil ito ay tinitingnan ng utak bilang “threat.”

9. Mas nagiging creative ang tao kapag medyo malungkot.

Ang mild sadness ay nagpapalalim ng pag-iisip at observation, kaya mas detalyado ang output.

10. Hindi talaga gusto ng utak ang sobrang daming pagpipilian.

Kapag maraming options, mas bumababa ang satisfaction kahit “pinakamaganda” pa ang napili.

ISIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with