^

Punto Mo

EDITORYAL - Sunod-sunod na aksidente sa kalsada

Pang-masa
EDITORYAL - Sunod-sunod na aksidente sa kalsada

KAHAPON isang bus na may lulan na 23 kabataan mula Quezon City ang naaksidente sa Infanta, Que­zon dakong alas onse ng umaga. Isa ang kumpirmadong namatay. Patungo ang grupo sa youth camp nang mag-overshoot at tumagilid ang bus sa Bgy. Magsaysay.

Bago mag-Pasko, anim katao ang namatay at 20 ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang DLTB Bus sa Bgy. Magais I, Del Gallego, Camarines Sur. Galing Cubao­, Quezon City ang bus at patungong Sorsogon nang ma­ganap ang insidente. Nawalan umano ng control sa ma­nibela ang drayber kaya tuluy-tuloy na nahulog sa ba­ngin ang bus.

Ayon sa pulisya, nakatulog ang bus driver kaya nang­yari ang insidente. Sabi naman ng ilang pasahero, ma­sama ang pakiramdam ng bus driver kaya nagkaaberya sa pagmamaneho.

Noong Nobyembre 25, isang dump truck ang nawalan ng preno at inararo ang anim na sasakyan sa unahan nito bago bumangga sa poste ng kuryente. Tatlo katao ang namatay kabilang ang driver ng dump truck. Nang­yari ang insidente sa Sumulong Highway, Bgy. Dela Paz, Antipolo City.

Ayon sa pulisya galing sa Bulacan ang dump truck at may kargang buhangin. Hindi umano kinaya ng preno ang mabigat na karga ng truck kaya inararo ang mga sasakyan.

Noong Nobyembre pa rin, isang dump truck din ang nawalan ng preno at inararo ang mga sasakyan bago bumangga sa stop light sa Mindanao Avenue, Quezon City. Wala namang namatay sa insidente subalit maraming nasirang sasakyan.

Mula Disyembre 21-26, 2025, nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 263 road crash injuries sa buong bansa. Seven percent na mababa ito kum­para sa mga nangyaring insidente noong nakaraang taon sa kaparehong petsa.

Ayon sa DOH, 31 kaso ay dahil sa pagmamaneho ng lasing at 224 ang hindi gumamit ng safety accessories, gaya ng helmet at seatbelt. Paalala ng DOH na huwag magmaneho kapag pagod o lasing upang maiwasan ang road crash. Siguruhing nakatulog ng 7-8 oras bago bumi­yahe. Iwasan din ang paggamit ng cell phone habang nagmamaneho.

Bukod sa pagmamaneho ng lasing, may mga insi­­dente rin ng drugged driving o nakagamit ng illegal­ drugs habang nagmamaneho. Paigtingin ng Land Trans­por­tation Office (LTO) ang pag-monitor sa mga nagmama­neho ng lasing. I-drug test nang regular ang mga bus driver upan masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

INFANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with