Mga katotohanang hindi mo akalaing totoo l
Ang lalaking malakas humilik ay mas masungit, mas matalino at mas mahilig sa sex.
l After mag-sex, mas gustong matulog ng lalaki samantalang ang babae ay mas gustong dumaldal nang dumaldal.
l Kung dati ay simple lamang ang isang lalaki pero naging maporma lang ito simula nang magkakilala kayo, 100 percent na gustung-gusto ka niya.
l Ang body fat ng mga babae ay naiipon sa hita at hips samantalang sa mga lalaki ay sa tiyan.
l Ang pakikinig ng mga malulungkot na awitin kapag ikaw ay nalulungkot ay nakakatulong upang maging masigla at masaya ang pakiramdam.
l Ang pamamasyal sa bagong lugar (open places) ay nakakatulong upang lalo kang makaisip ng bagong ideya at nakakataas ng level ng pagiging malikhain.
l Ang mga taong nasa hustong gulang na nang nawala ang virginity (20 years old o mas matanda pa) ay siyang nagkakaroon ng may mas mataas na edukasyon, mas malaki ang kinikita at mas healthier ang pakikipagrelasyon kumpara sa nawala ang virginity nang mas maaga.
l Mas madalas maghalikan ang magkarelasyon, mas lalong umiinit ang kanilang relasyon.
l Ang mga babaeng nalulungkot ay mas pinipiling magsuot ng pantalon.
l Ayon sa research, nakakaligaya ng damdamin kung laging umiinom ng fresh juice.
l Kapag hindi ka man lang tumawa kahit isang beses habang nakikipagtalik, malaki ang tsansa na nakikipagtalik ka sa maling tao.
- Latest















