Flocerfida (250)
MARAMING estudyante sa canteen nang pumasok sina Dang at Ericko. May nakita silang bakanteng mesa sa sulok.
Nang makaupo, binuksan ni Ericko ang backpack at inilabas ang apat na botelyang plastic na lamang juice. Nagpapawis ang mga plastic.Halatang malamig.
“Anong juice yan, Ericko?”
“Iba’t iba—may balimbing juice, kamias juice at catmon juice.”
“Wow! Parang ang sarap.”
“Tikman mo ang balimbing.”
“Baka bawal magdala ng juice dito?”
“Hindi. Alam ng management ng canteen na nagdadala ako ng sample ng naimbento kong juice.”
“Ikaw ang nakaimnento ng mga ito?”
“Oo. May mga sample na rin na kinuha ang canteen at baka next year, nasa mga ref at cooler na nila ang mga naimbento ko.”
“Wow naman—ang kaharap ko pala ay inventor.”
Napangiti si Ericko.
“Tikman mo ang balimbing juice,’’ sabi ni Ericko at binuksan ang botelya. Ibinigay kay Dang.
Ininom ni Dang.
“Ang sarap!” sabi pagkatapos mainom.
(Itutuloy)
- Latest















