Flocerfida (248)
MADALAS na napapansin ni Dang na nag-iisip si Kikoy. Hindi naman ito dati ganito. Ano kaya ang problema?
Minsan, hindi na nakatiis si Dang at tinanong si Kikoy.
“Tito, madalas kitang napapansin na nag-iisip. May problema ka ba?”
“Ha? W-wala—wala akong problema Dang.”
“E bakit lagi kang nag-iisip? Hindi ka naman dati ganyan. Baka may maitulong ako. Kung pera ang problema, ibenta natin ang mga alahas.”
“Wala talaga, Dang.”
Napatango na lang si Dang. Pero hindi siya naniniwala na walang problema si Kikoy.
Sa maikling panahon na tumira siya sa bahay ni Kikoy, kilala na niya ito. At kapag may problema ang kanyang Tito Kikoy, problemado rin siya.
MASKI nasa school na si Dang at naiisip pa rin niya ang nangyayari kay Kikoy.
Kailangang malaman niya ang dahilan at nagkakaganun si Tito Kikoy.
Tawagan kaya niya sa Mam Malou?
Nasa ganun siyang pag-iisip nang may tumawag sa kanya.
“Dang! Dang!”
(Itutuloy)
- Latest















