^

Punto Mo

‘Karoling’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

IKALAWANG araw ng aming pagkakaroling ay hindi na ako isinama ng grupo. Hindi sinabi sa akin ang dahilan kung bakit ayaw na akong isama pero malakas ang aking kutob na nayayamot sa akin ang lider ng grupo na si Maxie. Alam kong naiinggit sa akin si Maxie dahil medyo nakakaangat ang aming buhay. At para sa kanya, ang katulad kong medyo nakakaangat ay huwag nang mangaroling. Gusto niyang mangyari, ipaubaya na lamang sa kanila ang pangangaroling.

Pero hindi ako nagpatalo kay Maxie. Gusto ko rin namang maranasan na magkaroon ng sariling pera mula sa pangangaroling. Gusto ko ring madama ang diwa ng Pasko sa panga­ngaroling.

Kaya lumakad akong mag-isa para mangaroling. Para hindi kami magkasalubong ni Maxie at mga kasama niya, sa kalye na alam kong marami akong pinsan nangaroling.

Dahil halos kilala ko ang mga may-ari ng bahay na aking tinapatan, maraming nagbigay sa akin ng barya.

“O Willie, bakit nag-iisa ka?” tanong sa akin ng may-ari ng bahay.

“Ayaw na po akong isama.”

“Aba mga salbahe ano? Di bale lalakihan ko ang bigay sa’yo.”

Tuwang-tuwa ako.  (Itutuloy)

MAXIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with