^

Punto Mo

EDITORYAL — Malilibing din ang ‘lihim’ ng anomalya?

Pang-masa
EDITORYAL — Malilibing din ang ‘lihim’ ng anomalya?

MARAMING nagulat sa balitang patay na si dating­ Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral. Nahulog umano ito sa isang bangin sa Tuba, Benguet noong Biyernes ng gabi. Maraming nag-alinlangan na baka hindi iyon si Cabral. Nang isailalim sa autopsy, napatunayang si Cabral nga ang biktima. Noong una, ayaw pumayag ang pamilya na isailalim ang bangkay sa autopsy. Sabi ng mister ni Cabral, ano pa raw ang gusto ng mga aw­to­ridad at kailangan pang isailalim sa autopsy ang na­mayapang asawa. Sa huli, napahinuhod din sila.

Ayon sa pulisya, nagtungo sa Baguio si Cabral sakay ng isang van na minamaneho ni Ricardo Hernandez. Nang nasa Camp 4, Tuba, Benguet na sila, hiniling umano ni Cabral kay Hernandez na itigil ang sasakyan sa gilid. Gusto raw ni Cabral ang tanawin at magmu­muni-muni. Subalit sinita sila ng isang pulis at sinabing bawal tumigil sa lugar sapagkat kurbada at maaaring mabangga ng mga dumadaang sasakyan.

Ipinasya na nilang magtungo sa Baguio City at nag­tuloy sa isang hotel. Dakong 3:00 p.m. ipinasya ni Cabral na magpahatid sa La Union. Nang dumaan sila Camp 4, sa mismong spot na tinigilan nila, sinabi ni Cabral sa driver na si Hernandez na itigil ang sasakyan. Pagkatapos nitong bumaba ay sinabihan ang driver na iwan siya. Umalis si Hernandez at nagtungo sa malapit na gasolinahan.

Nang balikan niya ang amo, dakong 5:00 p.m., wala na ito sa lugar. Nagbalik siya sa hotel at baka nauna na roon subalit wala. Nagbalik muli siya sa Camp 4 pero hindi niya nakita ang amo. Hanggang ipasya niyang i-report sa pulisya ang pagkawala ni Cabral. Dakong 8:00 p.m. natagpuan ang bangkay ni Cabral sa bangin na 30 metro ang lalim.

Si Cabral ay isa sa mga pangunahing personalidad na iniuugnay sa maanomalyang flood control projects. Isinangkot siya ni dating DPWH director Roberto Ber­nardo sa malawakang corruption sa ahensiya. Sinampahan­ ng kaso si Cabral. Ipinatawag siya ng Independent Com­mission for Infrastructure (ICI) sa pagdinig noong nakaraang linggo subalit hindi siya sumipot.

Sa pagkamatay ni Cabral, kasama na rin kaya ang “lihim” ng maanomalyang transaction at mga insertions sa budget ng DPWH? Dinala na kaya ni Cabral sa hukay ang mga mahahalagang impormasyon sa maanomal­yang flood control projects?

Hindi dapat malibing ang multi-bilyong anomalya na ang mamamayan ang nagdurusa.

ANOMALY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with