Flocerfida (241)
NAGPASYA si Kikoy na didistansiya kay Malou. Hindi na muna siya pupunta sa opisina nito. Magdadahilan siya na may ginagawa. Magbibisi-bisihan siya.
Naisip ni Kikoy, habang maaga ay kailangang umiwas siya. Baka ang pakikipagrelasyon niya kay Malou ay maging dahilan para siya mawalan ng trabaho.
Pero paano siya iiwas e halos malapit lang ang opis ni Malou sa opisina niya?
Madadaanan niya ang opsina ni Malou. Makikita siya ni Malou.
Mukhang mahirap maiwasan si Malou.
Bahala na.
Nagtataka si Kikoy kung biglang naging “hot” si Malou. Bigla siyang tinawag kanina. Akala niya ay may ipagagawa sa kanya si Malou—yun pala iba ang ipagagawa.
Muntik na niyang madama ang “hiyas” ni Malou. Kung walang dumating kanina, baka nagalugad niya ang “kagubatan” ni Malou. At tila gusto ni Malou dahil hindi sinasansala ang palad niya. Hinayaang makapasok sa loob ng underwear niya.
Grabeng “init” ni Malou.
Paano kaya niya maiiwasan?
O pagbigyan na niya ito. Tutal lalaki naman siya. Walang mawawala.
Naguluhan si Kikoy.
(Itutuloy)
- Latest















