^

Punto Mo

Angas ng vloggers, aliw-asar sa tinatamaan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

UMALMA si Sen. Rodante Marcoleta sa mga ibinabalita ng vloggers na diumano’y sinibak na siya sa Senado dahil sa nilabag na batas na may kaugnayan sa eleksiyon. Hindi raw kasi idineklara ni Marcoleta kung kanino nanggaling at magkano ang tinanggap na campaign fund donations noong nakaraang May elections. Hindi naman talaga totoong sinibak na si Marcoleta dahil wala pa namang resulta ang  paglilitis na ginagawa ang Comelec maging ang Senate Ethics Committee.

Malaking bahagi na ang nilalamon ng vloggers sa espasyo ng pagbabalita na may kalakip na komentaryong mapanira. Ilan dito ay humahantong sa hukuman. Hindi nagugulat ang mga ito sa gastos dahil may nagpopondo sa kanila at may libreng abogado pa. May vloggers na nakabase pa sa abroad na pinagkikitaan ang paghahatid ng mga balitang inimbento lamang para makapanira ng kalaban. May abogado pang vlogger tulad ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na walang humpay kung siraan ang gobyerno at pagkatao ni PBBM. Nagtatago sa ibang bansa si Roque at nag-aaplay ng asylum. May tinakbuhan umano itong kaso ng land grabbing sa Bataan. Nakakahiya ka Roque bilang Pilipino!

Isa rin sa nagtatago si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na hinahanap na ang pinto ng impiyerno sa ibang bansa upang dun manirahan at makasama ang mga naging kasosyo niya sa pangu­ngulimbat. Estupido ka Zaldy! Umuwi ka na dahil nasa gusali ng Kongreso at Senado na ang hinahanap mo. Ginulo ng karumal-dumal na korapsiyon ng mga mala-demonyong pulitiko ang bansa. Nawawala na ang tiwala nang maraming bansa sa Pilipinas. Dahil ‘yan sa mga buwayang pulitiko.

Nangako sina PBBM at Ombudsman Boying Remulla na may mga pulitikong magpa-Pasko sa kulungan. Nasaan na raw? Baka naman nagpapabango lang ang dalawa. Baka nga! Delikadong madiskaril  ang resulta ng eleksiyon sa 2028 kapag hindi nagtanda ang mga botante sa naranasang kababuyan ng mga pulitiko.

MARCOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with