^

Punto Mo

‘Parol’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 2)

SI Lolo Fernando ang gumagawa ng aming project na parol para sa school. Tuwing Disyembre ay pinagdadala kami bawat isang estud­yante ng maliit na parol. Isinasabit iyon sa Christmas tree na nasa loob ng classroom. Puwedeng gawa sa papel ang parol o kawayan.

Parol na gawa sa kawayan ang ginagawa ni Lolo para sa aming mga apo niya. Ang laki ng parol ay mga isang dangkal ng daliri na tamang-tamang pambitin sa Christmas tree. Limang parol ang ginagawa ni Lolo dahil lima kaming apo niya na pawang mga lalaki.

Napakaganda ng parol na ginawa ni Lolo. Napaka­kulay ng papel de japon na ipinangbalot o ipinangdamit niya sa parol. At dahil maganda, kadalasang nananalo ang aming mga parol.

“O kumusta ang inyong mga parol na dinala sa school? Nagustuhan ba ng inyong  teacher?’’ tanong ni Lolo.

“Opo Lolo,’’ sagot ko. “Nanalo po ng first prize ang parol na ginawa mo.”

Ang apat kong pinsan ay ganundin ang sinabi.

“Mabuti naman at nagustuhan. Kapag gagawa kayo ng isang bagay, pagbutihan n’yo na. Ibuhos n’yo ang husay para marami ang makagusto at manalo. Tandaan n’yo ang sinabi ko.”

Lahat kami ay nakatingin habang nagsasalita si Lolo. Bawat sabihin niya, nakatanim sa isipan namin.

(Itutuloy)

CHRISTMAS

PAROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with