^

Punto Mo

Paliparang may ­paninindigan, ­ hindi ­paninira

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MARIING iginiit ng San Miguel Corporation (SMC) na tuluy-tuloy at maayos ang ginagawang land development para sa New Manila International Airport (NMIA) sa Bulacan, hindi bara-bara, hindi padalus-dalos, kundi ayon sa pandaigdigang pamantayan.

Patunay nito ang patuloy na pakikipagtulungan ng SMC sa Boskalis Westminster, isa sa pinakakilalang kumpanya sa buong mundo pagdating sa dredging at marine infrastructure.

Ayon sa Boskalis, nananatili silang aktibong katuwang ng SMC hindi lang sa papel kundi sa aktuwal na teknikal at advisory na trabaho. Iisa ang direksiyon ng dalawang panig: siguraduhing pasado at lampas pa sa internasyonal na pamantayan ang bawat hakbang ng proyekto.

Dagdag pa ng SMC, ang land development ng NMIA ay sumusunod sa Environmental and Social Performance Standards ng International Finance Corporation (IFC).

Ito ang gold standard pagdating sa malalaking proyektong pinopondohan ng mga pandaigdigang institusyon mahigpit, detalyado, at walang lusot. Saklaw nito ang disenyo ng proyekto, pagmamanman, pag-iwas sa panganib, at higit sa lahat, ang proteksiyon sa mga komunidad na maaapektuhan.

Hindi raw ito karaniwang regulasyon na puwedeng palusutan. Sa katunayan, aminado ang SMC na kakaunti lang ang mga proyekto sa Pilipinas na handang sumunod sa ganito kataas na antas ng environmental at social responsibility.

Ang buong development, ayon pa sa kumpanya, ay nakabatay sa masusing pag-aaral ng daloy ng tubig, independent engineering reviews, at tuluy-tuloy na environmental monitoring.

Hindi lang airport ang iniisip kundi ang kapakanan ng mga karatig-komunidad, lalo na sa usapin ng baha. Kasabay nito, nagpapatuloy rin ang paglilinis at rehabilitasyon ng mga ilog sa Bulacan at mga kalapit-probinsiya at malinaw: walang ginagastos ang gobyerno rito.

Hindi rin nagpaliguy-ligoy ang SMC sa kanilang pahayag: daan-daang bilyong piso ang inilaan nila para magtayo ng isang pangunahing international gateway na hindi lang para sa ngayon, kundi para sa susunod pang mga henerasyon ng Pilipino.

Paninindigan nila ang proyekto tama, responsable, at ayon sa pandaigdigang pinakamahusay na praktis.

Sa gitna nito, sinagot din ng kompanya ang mga kumakalat na post online na naglalayong siraan ang proyekto. Ayon sa SMC, malayo ang mga alegasyong ito sa totoong nangyayari sa aktuwal na construction site.

Hindi raw makatutulong ang maling impormasyon nakalilito lang ito sa publiko at nakagugulo sa mga stakeholder. Kaya hamon ng SMC: kung may tanong o alinlangan, idaan sa tamang usapan at bukas na talakayan, hindi sa tsismis at pekeng impormasyon.

Kaya naman hiniling na rin ng kumpanya sa Meta na suriin ang mga pahinang paulit-ulit na nagpapakalat ng maling balita habang nagtatago ng identidad isang hakbang na naaayon sa patakaran ng platform.

Sa huli, malinaw ang mensahe: ang NMIA ay hindi proyekto ng yabang, kundi proyekto ng pananagutan. Sa gitna ng ingay at paninira, nananatiling nakatuntong sa matibay na pamantayan ang konstruksyon may direksyon, may saysay, at may malasakit sa bayan.

SAN MIGUEL CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with