Paranormal facts
1. “haunted places” ay may mataas na electromagnetic field (EMF).
Ang sobrang EMF ay maaaring magdulot ng pakiramdam na may nakatingin, malamig na hangin, o may “presensya” kahit wala naman.
2. Ang utak ng tao ay kayang “gumawa” ng multo.
Kapag pagod, stressed, o kulang sa tulog, mas nagiging aktibo ang imagination at hallucination.
3. Sleep paralysis ang madalas na dahilan ng “may umuupo sa dibdib”.
Maraming kultura ang may sariling bersyon nito: bangungot, old hag, o multo, pero iisa ang siyentipikong paliwanag.
4. Mas maraming paranormal experiences ang naiuulat sa gabi.
Dahil tahimik, madilim, at mas alerto ang pandinig ng tao, mas napapansin ang maliliit na tunog.
5. Ang malamig na spots ay hindi laging ang ibig sabihin ay may espiritu.
Kadalasan, sanhi ito ng air flow, sirang insulation, o pagbabago ng temperatura ng paligid.
6. Ang takot ay nakakahawa.
Kapag may isang taong natakot, mas nagiging alerto at sensitibo ang buong grupo, kaya mas madaling makaramdam ng “paranormal” na sa totoo lang ay imagination lang.
7. Maraming urban legends ay may ugat sa totoong pangyayari.
Ngunit habang tumatagal, nadadagdagan ng detalye hanggang maging supernatural ang kuwento.
8. Ang mga bata ay mas madalas makaranas ng paranormal experiences.
Dahil mas malakas ang imahinasyon nila at hindi pa ganap na nahihiwalay ang realidad at pantasya.
9. Ang tunog na hindi naririnig ng tainga (infrasound) ay puwedeng magdulot ng takot. A) Ang infrasound ay mga tunog na may napakababang frequency (mas mababa sa 20 Hz) kaya hindi ito naririnig ng tainga ng tao, pero nararamdaman ng katawan. Kahit hindi natin namamalayan, may epekto ito sa isip at emosyon. B) Kapag ang isang lugar ay may infrasound, na maaaring manggaling sa malalakas na hangin, bagyo, lindol, malalaking makina, o kahit lumang gusali, maaari nitong guluhin ang natural na ritmo ng katawan. Dahil dito, biglang nakakaramdam ang isang tao ng kaba, pagkailang, lungkot, o matinding takot kahit wala namang malinaw na dahilan. C)May mga pag-aaral na nagpapakitang ang infrasound ay maaaring magdulot ng paninikip ng dibdib, pagkahilo, panginginig, at pakiramdam na may “presensya” sa paligid. Ito ang isa sa mga paliwanag kung bakit sa ilang lugar tulad ng lumang bahay, abandonadong ospital, o simbahan maraming tao ang naniniwalang may multo, kahit wala namang aktuwal na nakikita o naririnig.
10.Kahit ang skeptics ay puwedeng makaranas ng paranormal fear.
Dahil ang takot ay instinct, hindi ito laging nakadepende sa paniniwala.
- Latest




















