‘Silip’ (Last Part)
Naging mag-asawa kami ni Mira. Maligayang-maligaya kami. Talagang magkasundung-magkasundo kami. Pinagtagpo kaming dalawa.
Masasabi kong si Mira ang nagpabago sa akin sa ginagawa kong paninilip. Mula nang makilala ko siya, nawala na sa isipan ko ang manilip. Iwinaksi ko na. Nakokonsensiya ako. Kaya kong kontrolin ang sarili. Dapat na ipangako sa sarili na huwag nang gagawin ang “paninilip”. At nagtagumpay ako dahil kay Mira.
Matagal na kaming kasal at may isa nang anak ng ipagtapat ko kay Mira ang aking “lihim”.
“Natatandaan mo pa ba Mira yung sinabi mo sa akin na pakiramdam mo ay may mga matang nanininilip sa iyo sa banyo?”
“Oo. Pero di ba sabi mo, imagination ko lang yun?”
“Hindi totoo na may naninilip sa’yo.”
“Sino?”
“Ako.”
“Ikaw?”
“Oo. Pero nang maging magsiyota tayo, tinigil ko na yun. Nagbago na ako.”
“E di nakita mo ang…”
“Oo. At napatunayan ko na mas maganda sa malapitan ang nakita ko.”
Kinurot ako ni Mira.
“Wala na pala akong ipagmamalaki sa’yo. Buti na lang at tayo ang nagkatuluyan.”
“Mahal na mahal kita, Mira.”
Niyakap ko siya nang buong higpit.
- Latest



















