^

Punto Mo

Ang hubad na babae

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

PUMARA ng taxi ang isang babaing hubo’t hubad. Tiningnan siya ng drayber mula ulo hanggang paa kaya pinandilatan siya ng babae.

“Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad na babae?”

“Hindi ko tinitingnan ang katawan mo. Iniisip kong huwag kang pasakayin dahil wala kang pamasahe.”

“At paano mo nalamang wala akong pera?”

“Wala kang bitbit na anumang bag o wallet na puwede mong paglagyan ng pera.”

Aral: Maging katulad ng drayber na nakapokus sa kanyang business at hindi sa distractions.

• • • • • •

May isang negosyanteng nagtayo ng isang publication. Noong una ay umasenso ito dahil nakapokus ang energy niya sa negosyo. Kaso nakatikim lang ng kaunting pera, yumabang ito at natutong mambabae. Ang magagaling niyang mga writers ay nagsilipatan sa kalabang publication dahil laging delayed ang suweldo. Ang misis niyang katulong sa pagpapatakbo ay tinamad na rin tulungan ang mister na taksil kaya nagpasya silang ibenta ang kompanya. Naghati sila sa napagbentahan at nagkanya-kanya na ng buhay.

• • • • • •

Ganundin ang nangyari sa may-ari ng dalawang private schools. Ilang dekada rin kumita ang eskuwelahang nabanggit dahil magaling mamahala ang misis. Parehong educators ang mag-asawa kaya nakilala ang school na may magandang sistema sa pagtuturo. Pero unti-unting bumagsak ang negosyo. May naging kabit ang mister. Naghiwalay ang mag-asawa at naghati sa school na pamamahalaan. Bago mag-pandemic, ang dalawang school na pag-aari nila ay parehong nagsara.

BABAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with