‘Silip’
(Part 20)
“OO,” sagot ni Mira.
“Mahal mo rin ako Mira?”
“Oo. Kaya nga sinagot na kita.”
Hindi ako makapaniwala na magsiyota na kami ni Mira.
“Pero huwag mo munang ipagsabi na mag-‘ano’ na tayo ha? Lalo sa boarding house.”
“Oo. Tayo lang ang nakaaalam. Pero bakit ayaw mong malaman na magsiyota tayo?”
“Basta ayaw kong may makaalam sa ngayon.”
“Sige, Mira.”
“Kahit kay Tiya Auring huwag mong sasabihin.”
“Kailan natin ire-reveal ang ating relasyon?”
“Kapag nakatapos na tayo ng pag-aaral.”
“Ang tagal pa nun, Mira.”
“Mabilis lang lumipas ang mga taon. Basta huwag mong ipagsabi ha? Kapag may nakaalam, ibi-break kita!”
“Hindi ko ipagsasabi, Mira.”
Sinunod ko ang bilin ni Mira.
Naitago namin ang relasyon hanggang sa kami ay mag-graduate.
Una kong sinabi kay Tiya Auring ang relasyon namin.
Hindi makapaniwala si Tiya. Akala raw niya ay hindi ako marunong manligaw. Tahimik daw kasi ako.
Hanggang sa marami na ang nakaalam na magsiyota kami ni Mira. Tuwang-tuwa ang iba pang boarders.
(Itutuloy)
- Latest




















