^

Punto Mo

EDITORYAL - Dapat ibasura ang party-list system

Pang-masa
EDITORYAL - Dapat ibasura ang party-list system

PINAMAMADALI ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Party-list System Reform Act. Nakagugulat ang pasya ng Presidente sa nasabing panukalang batas. Ngayon lang siya umakto ng ganito na gustong ipaprayoridad sa Senado at House of Representatives ang pagreporma sa party-list system. Ito kaya’y paraan niya para bumango sa publiko? Isa pa sa pinamamadali ni Marcos ay ang Antidynasty Bill.

Sa pagreporma sa party-list system, marami pang dapat isagawa at masyadong masalimuot. Magkakaroon pa ng pagbabago sa Konstitusyon kapag isinulong ang reporma. Pinakamagandang magagawa ay buwagin na ang party-list system. Hindi na dapat hayaan sapagkat ginagamit lang ito ng mga pulitiko para palawakin ang kanilang kapangyarihan. Ina­abuso ang party-list system ng mga gahamang pulitiko.

Itinatag ang Party-list System Act (RA 7491) noong 1995. Pangunahing layunin ng party-list system ay magkaroon ng kinatawan ang mga mahihirap, manggagawa, kababaihan, kabataan, katutubo at iba pang kabilang sa marginalized sector.

Pero mula nang isabatas, nabalahura na ito at hindi na nasusunod ang isinasaad ng batas. Inabuso na ito nang maraming party-list na ang inaatupag ay ang sarili nilang interes.

Ang mga dinastiyang pulitiko ang sumisira sa party-list system. Nawawala na ang tunay na hangarin na kumatawan sa marginalize na sektor ng lipunan. Gina­gamit ang party-list ng ilang political clan para palawakin ang kapangyarihan.

Noong May 2025 midterm elections, nasa 70 party-list groups ang naghain para makaupo sa House of Representatives. Napakaraming nais maging kinatawan sa kongreso. Wala namang nakaaalam kung tunay silang kumakatawan sa marginalized sector o nais lang palawakin ang pulitika ng kanilang pamilya?

Ibasura ang party-list system kaysa sa ireporma. Tama na ang pag-abuso sa party-list system na ang naki­kinabang lamang ay ang mga matatakaw na pulitiko.

PARTYLIST SYSTEM ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with