Raid vs Rep. Rivera sa Tarlac, nakahihiyang kabiguan!
NAGULANTANG ang mga residente ng Bgy. San Vicente, sa Concepcion, Tarlac sa biglang paglusob sa kanilang lugar ng sangkaterbang armadong pulis at militar na ‘yun pala ay magsisilbi lamang ng search warrant sa bahay ni Rep. Noel “Bong” Rivera.
“Parang martial law,” anang mga residente. Sinelyuhan ang lugar, at hinarangan maging ang mga opisyal ng barangay.Umabot hanggang tanghali ang paghahalughog. Ang diumano’y target: mga ilegal na baril. Ang kinalabasan: wala. Balang narekober, walang inaresto, walang ebidensya kundi nag-iwan ito ng takot sa mga bata, nasirang ari-arian, at isang komunidad na nadamay sa isang operasyong walang napala.
Hindi hinahangaan ng mga Pinoy ang ganitong ingay, puwersa, at pananakot. Hinahangaan nila ang disiplina, intelligence, at tunay na resulta. Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng operasyon, hindi lamang tiwala ng publiko ang mawawala?undi ang kredibilidad ng estado mismo. Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Si Rivera mga kosa ay iniimbestigahan ng Ombudsman kaugnay sa bilyun-bilyong proyektong pang-imprastraktura. Ngunit kahit may imbestigasyon, walang anumang lohika o propesyonal na pamantayan ang makapagtatanggol sa pag-deploy ng halos pangdigmaang puwersa para lamang magsilbi ng warrant na nauwi sa wala.
Lalong nagulat at nabahala ang mga residente nang maiulat na may dalawang indibidwal umanong inaresto at sampung baril na nasamsam ng mga raiding team mga pangyayaring, ayon sa mga saksi at lokal na opisyal, ay hindi kailanman naganap sa nasabing operasyon.
Ang mga baril ay isinuko ng mambabatas at malinaw na walang kumpiskasyon sa ilalim ng search warrant. “Drawing” lang kaya ito para pagtakpan ang kanilang palpak na operation? Anong sey n’yo mga kosa? Dipugaaa!
Mas malala itong insidente kung ilalagay sa konteksto ng naunang kabiguan ng CIDG sa Midas Hotel sa Pasay, kung saan daan-daan ding tauhan ang ipinakalat sa isang 10-palapag na gusali upang hanapin umano ang mga wanted sa kasong graft. Ang resulta ay kapareho: walang suspek, walang inaresto, walang ebidensya?sa na namang “loud failure” na binalot ng sobrang ingay at walang laman.
Magkasunod ang mga kabiguang ito, at malinaw ang padron: sobrang puwersa, mahinang intelihensya, at palabas na operasyon. Hindi ito lakas ng estado kundi kahihiyan ng institusyon?sang law-enforcement posture na ipinagpapalit ang pananakot sa ebidensya at ang presensya sa propesyonalismo. Purbidang yawaaahhh! Ang sakit sa bangs nito!
Ang?as nakababahala mga kosa ay ang impormasyong isang Cabinet Secretary ang nasa likod ng operasyong ito. Kung totoo, ito ay tahasang paggamit ng kapangyarihan ng estado laban sa personal o pampulitikang kaaway isang abusong hindi maaaring palampasin.
Ang mga ganitong palpak na operasyon ay may malinaw na epekto sa itaas. Kaya’t hindi nakapagtataka na ayon sa WR Numero, bumagsak sa pinakamababang antas ang satisfaction rating ni President Bongbong Marcos . Paulit-ulit na institusyonal na sablay lalo na yaong may bahid ng yabang at abusong tuwirang sumisira sa kredibilidad ng President.
Hindi rin maaaring manahimik lang sina Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., National Security Adviser Sec. Eduardo A?, at AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. May tungkulin silang pigilan ang higit pang pinsala sa institusyon at sa Presidente. Sanamagan! Abangan!
- Latest



















