Flocerfida (227)
“PAREHAS lang yan ng mga alahas na binili mo sa akin, Malou,’’ sabi ni Kikoy habang nakatingin kay Malou at sinusuri ang mga alahas.
“Mas maganda ito, Kiks!”
“Ganun ba?”
“Ako na lang uli ang bibili nito, Kiks. Mas type ko ang mga ito.”
“A sige. E ang friend mo, bibili pa rin siya ng alahas?”
“Oo. Dalhin mo bukas. Etong mga alahas na ito, babayaran ko na ngayon din.”
“Ikaw ang bahala, Malou.”
“Maganda rin ang dalhin mo bukas.”
“Oo may magaganda pa kaysa diyan.”
“Sige.”
Pagkaraa’y binuksan ni Malou ang drawer at kumuha ng pera.
“Magkano ang mga alahas na ito, Kiks?”
“Katulad din ng binayad mo sa akin kahapon—otsenta.”
“Mas magaganda ang mga ito Kiks. Mga hundred thousand ito!”
“Baka naman nagkakamali ka, Malou.”
“Hindi ako maaring magkamali dahil ang isa kong kapatid ay alahera at naturuan niya ako ng mga basic sa pagtingin nang mahusay na alahas. Hindi nga lang ako nag-concentrate sa pag-aalahas dahil mas gusto ko sa corporate. Kaya itong alahas na ito, hundred thou ito!”
“Ikaw ang bahala, Malou.”
Nagbilang ng pera si Malou.
At pagkatapos, binayaran si Kikoy.
(Itutuloy)
- Latest
















