‘Silip’ (Part 13)
PAGKATAPOS kong mapanood ang ginagawa ng boarder na si Mira sa banyo, na-guilty ako—hindi ko dapat ginawa iyon. Mali iyon. Dapat kinontrol ko ang sarili. Hindi ako dapat nagpatangay sa tukso. Dapat magkaroon ako ng disiplina.
Pero kaya lang naman ako naakit na sumilip sa banyo ay dahil sa narinig kong daing—naintriga ako sa impit na daing na galing sa banyo.
Akalain ko bang “pinaliligaya” ni Mira ang sarili kaya ganun ang narinig kong daing. Unang pagkakataon na nakakita ako ng babae na gumagawa ng “kakaiba”. Kung hindi ko narinig ang daing ni Mira, hindi naman ako sisilip sa banyo. Kaya ko namang pigilin ang sarili dahil nga nagkaroon na ako ng aral mula nang mahulog sa punong mangga habang sinisilipan ang dalagang naliligo sa batalan.
Kinabukasan, papasok na ako sa school, nang makasabay ko si Mira. Iisang unibersidad ang aming pinapasukan.
Hindi ako makatingin ng tuwid kay Mira.
“Papasok ka na Junior?” tanong ni Mira.
“O-oo!”
“Sabay na tayo.”
“S-sige.”
Sabay kaming naglakad.
(Itutuloy)
- Latest
















