^

Punto Mo

Pigilin ang galit

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

GALIT na ang marami sa malawakang korapsyon sa gobyerno. Umiikli na ang pasensya ng marami sa nawawalang kahihiyan ng mga nasa gobyerno, lalo na ang ilan sa mga nanalong pulitiko na kung tawagin pa naman ay mga lingkod-bayan at kagalang-galang. Nasaan na ang paglilingkod at pagiging kagalang-galang? Tila kasamang nalubog sa mga kalsadang binaha dahil sa substandard na mga flood control projects.

Ang pagkagalit ang piniling pamamaraan ng marami upang ipakitang may ginagawa sila sa harap ng lumalalang korapsyon. Sinabi ng British philosopher na si Edmund Burke na ang kailangan lamang para maghari ang kasamaan ay ang pananahimik ng iilang mabubuting tao.

Marami ngayon ang ayaw nang manahimik sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang galit. Pero ang walang-prenong pagkagalit ay mauwi lamang sa lalong masamang kalagayan. Sinabi ni Paul sa Efeso 4:26, “Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo’y magkasala.”

Maaari tayong magkasala o lalong magkamali dala ng galit. May mga nananawagan sa mabilisang pag-re-resign nina President Bongbong at VP Sara, pagtatatag ng revolutionary ­government, pagdaraos ng snap election, o pagti-take over ng militar. Alinman ba sa mga hakbang na ito’y mag-aahon sa atin sa kumunoy ng kasamaan o lalong magbabaon sa atin?

Ang malalimang pagbabago na pupuntirya sa ugat ng problema’y hindi maisasagawa nang mabilisan. Kinakailangan ito ng mahabang panahon.  Sa ngayon, ang mahalaga’y masampahan ng kasong kriminal at makulong ang lahat ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects, nang walang pinipili, gaano man kataas ang posisyon.

Ang agarang eleksyon ay hindi solusyon hangga’t hindi napagtitibay ang mga batas na babago sa paraan ng paghahalal natin ng mga lider at magbabawal sa political dynasty. Dahil kung hindi, siguradong marami uling mahahalal na mga pulitikong tiwali at galing sa dinastiya. Batay sa mga pagsusuri, karamihan sa mga maanomalyang proyekto ay nasa mga lugar na kontrolado ng  dinastiya. Kailangang mapagtibay muna ang panukalang-batas na magpapatupad sa itinatadhana ng Konstitusyon na pagbabawal sa political dynasty.

Kailangang magkaroon tayo ng institusyon na titiyak na wala nang mangyayaring katiwalian sa mga infrastructure projects; isang institusyong malaya at may ngipin at hindi maaaring pakialaman ninuman, kahit ng nasa Malakanyang. Kailangan ang pagbabago sa sistema, estraktura at proseso sa mga opisinang talamak ang korapsyon na tulad ng Department of Public Works and Highways,  Bureau of Customs and Bureau of Internal Revenues.

Kailangang mapagtibay ang mga batas na magtatatag sa Independent People’s Commission upang malayang maimbestigahan ang mga anomalya sa mga infrastructure projects at matiyak ang pananagutan. Mahalaga rin ang pag-iral ng transparency sa pamamagitan ng malayang access ng mamamayan sa government information, tulad ng Statement of Assets and Liabilities (SALN) ng mga opisyales ng gobyerno. Ito ang layunin ng pagsasabatas ng People’s Freedom of Information.

Walang anumang buting maidudulot ang pagte-take over ng militar sa civilian government; lalo itong magbubulid sa atin sa kahirapan, opresyon at dahas. Sa nalalabing panahon, magawa sana ng Presidente at VP ang pinakamabuti, makapagpakita ng modelo ng tunay na pagmamahal sa bansa, at maging huwaran ng pagiging totoo. Kung may dapat aminin, aminin. Kung may dapat ibalik sa gobyerno, ibalik. Kung hindi mangyayari ang mga ito, hindi natin tiyak kung saan tayo dadalhin ng galit ng mga mamamayan.

GUILT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with