^

Punto Mo

Mga anekdota ni Adolf Hitler (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ganito ang nangyari kay Hitler:

1. Nagpakamatay siya noong Abril 30, 1945.

Habang papalapit ang puwersa ng Soviet sa Berlin at malinaw nang talo ang Alemanya, si Hitler ay nagkulong sa kanyang “F?rerbunker”. Dito niya pinakasalan si Eva Braun at makalipas lamang ang isang araw, nag-suicide sila: si Hitler ay nagbaril sa ulo at si Eva Braun ay uminom ng lason.

2. Sinunog ang kanilang mga bangkay.

Ayon sa utos niya, sinunog ng kanyang mga tauhan ang kanilang katawan sa hardin ng Reich Chancellery upang hindi makuha ng mga kalabang hukbo.

3. Natagpuan ng mga Soviet ang kanyang labi.

Noong Mayo 1945, nadiskubre ng Red Army ang sinunog na bangkay niya. Kinuha nila ito at itinago ang impormasyon nang ilang taon dahil sensitive ang isyu.

4. Hindi siya nakatakas.

Maraming lumabas na conspiracy theories na nakatakas daw siya patungong South America, pero napatunayan sa mga forensic test ng Soviet at mga na-declassify na dokumento na totoong namatay na si Hitler noong Abril 1945.

5. Nagtapos ang Nazi regime.

Pagkatapos ng kanyang kamatayan, tuluyang bumagsak ang Nazi Germany. Noong Mayo 7?8, 1945, sumuko ang Alemanya at natapos ang digmaan sa Europe.

ADOLF HITLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with