Mga anekdota ni Hitler (Part 2)
Si Alois Jr., ang half-brother ni Hitler, ay umalis ng bahay noong teenager pa si Hitler dahil hindi sila magkasundo at palagi silang nag-aaway. Ayon sa family testimonies, madalas silang mag-clash dahil: magkaiba ang personality; parehong mainit ang ulo; parehong gustong sila ang tama. Pag-alis ni Alois Jr., lalo pang naging isolated si Hitler.
2. Mababa ang grado maliban sa drawing.
Bilang bata sa primary school sa Austria, si Hitler ay may magagandang marka sa art pero sobrang baba sa Math, French, at Science. Nasa school reports niya na only subject he consistently excelled in was drawing, at ito ang dahilan kung bakit naniwala siyang magiging artist siya.
3. Naging “model student” siya sandali, pero biglang nagbago.
Ayon sa mga tala ng guro niyang si Eduard Huemer, si Hitler ay masipag at masunurin noong nasa lower grades pa. Pero pagpasok niya ng Realschule (high school), madalas siyang hindi na pumapasok, kaya laging bagsak. Hanggang sa magpasyang tumigil na sa pag-aaral.Nagulat ang mga guro dahil hindi nila alam kung bakit nagbago ang asal niya.
4. Conflict sa kanyang ama dahil ayaw niyang sundan ang trabaho nito.
Gusto ng ama niyang si Alois Schicklgruber na sundan niya ang landas nito bilang customs officer. Pero si Hitler ay determinadong maging artist. Ito ang dahilan kung bakit laging may tensiyon sa pagitan ng mag-ama. (Itutuloy)
- Latest















