Silip (Part 8)
“MULA ngayon huwag ka nang aakyat sa punong mangga,’’ sabi ni Tatay na para bang nagdududa nang sabihin kong kinagat ako ng langgam habang nasa itaas ng mangga. Totoo naman na kinagat ako ng langgam. Ang tanong ay kung ano ang ginagawa ko sa itaas mangga.
“Hindi ka na aakyat sa mangga at sa iba pang puno. Maliwanag Junior?” sabi ni Tatay.
“Opo. Hindi na po mauulit.”
“’Yan ay para na rin sa ikabubuti mo. Baka kung mapaano ka,” sabi pa ni Tatay.
Kaya mula noon, hindi na ako nakaakyat sa mangga. Hindi ko na nakita ang paliligo ng magandang dalaga na taga-Maynila. Natapos ang bakasyon ng dalaga at mula noon ay hindi na nagbakasyon sa bahay ng aming kapitbahay. Nanghinayang ako. Napakaganda pa naman ng dalagang taga-Maynila.
Lumipas ang isang taon at nagkolehiyo ako sa Maynila. Sa bahay ng aking tiyahin ako nakatira. May mga boarders siyang estudyanteng babae. Magaganda.
Hindi ko akalain na sa bahay na iyon matutuloy ang paninilip ko noon. (Itutuloy)
- Latest















