^

Punto Mo

EDITORYAL - Regular drug test sa mga driver

Pang-masa
EDITORYAL - Regular drug test sa mga driver

KAHINDIK-HINDIK ang sunud-sunod at malalagim na aksidente sa kalsada. Daming namatay sa pinakahuling insidente na kinasankutan ng 14-wheeler truck at UV Express van. Ilan sa dahilan ng malalagim­ na aksidente ay mechanical failure, drivers error, hindi maayos na kalsada at naka-droga ang drayber. Pinaka­maraming nagsabi na ang paggamit ng droga (shabu) ang nangungunang dahilan.

Sa accident sa Camalig, Albay noong Miyerkules ng umaga na ikinamatay ng 11 katao, sinabi ng mga awto­ridad na nawalan ng preno ang 14-wheeler truck at sumalpok sa kasalubong na UV Express van. Nahulog sa mababaw na bangin ang dalawang sasakyan. Nahirapang alisin ang mga biktimang naipit sa van. Inabot nang maraming oras bago tuluyang naalis ang mga biktima sa magkapatong na sasakyan.

Sa kuha ng CCTV, nakita ang mabilis na takbo ng truck habang pababa sa kurbadang kalsada. Sinalpok ng tuck ang kasalubong na UV Express na maraming pasahero. Sa lakas ng pagbangga, nahulog ang mga ito sa bangin. Nakaligtas ang drayber ng truck at nagpapagaling sa ospital.

Malaki ang pananagutan ng drayber ng truck sa­pag­kat kitang-kita sa CCTV ang mabilis niyang pagma­maneho sa pababang bahagi ng kalsada. Wala siyang ingat na parang lumilipad ang isip. Maaaring isipin na guma­mit ng droga ang drayber dahil sa estilo ng kanyang pagmamaneho na hindi nagme-menor habang palusong ang kanyang sasakyan.

Noong Martes, tatlong tao ang namatay nang araruhin ng 10-wheeler truck ang mga sasakyan sa Sumulong Highway, Bgy. Dela Paz, Antipolo City. Kabilang sa mga namatay ang truck driver at dalawang motorcycle rider.

Ayon sa pulisya, nawalan umano ng preno ang truck habang pababa at inararo ang nasa unahang dump truck at nadamay ang iba pang mga sasakyan. Sa lakas ng impact, bumangga ang truck sa traffic light na ikinawasak nito.

Kaawa-awa ang sinapit ng dalawang motorcycle riders na nadamay sa aksidente. May pamilya ang mga biktima at sila lamang ang inaasahan para maghanapbuhay.

Kapag naganap na ang aksidente, laging sinasabi na nawalan ng preno ang bus o truck. Wala nang ibang dahilan. Kung nawalan ng preno, bakit hindi isailalim sa regular maintenance ang sasakyan bago ibiyahe?

Mas makabubuti rin na isailalim sa regular drug test ang mga drayber upang makatiyak na hindi nila dadalhin sa hukay ang kanilang pasahero at maging ang iba pang motorista.

UV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with