Flocerfida (220)
“TALAGA Tito? Bumibili pala ng alahas si Mam Malou,’’sabi ni Dang.
“Actually hindi siya bumibili. Ako lang ang pumilit sa kanya na bilhin ang alahas. Sabi ko kasi kailangan ko ang pera kaya ipagbibili ko ang mga alahas na naipon ko sa Saudi. Pinauutang na nga lang niya ako ng fifty thousand dahil sayang daw kung ibebenta ang mga alahas. E nagpumilit ako na ibebenta ang mga yun. Kaya bukas, dadalhin ko ang mga alahas na worth fifty thou.”
“E di ihahanda ko na bukas ang mga alahas Tito.”
“Oo. Tantiyahin mo kung ilang piraso ang worth fifty thousand pesos.”
“Sige Tito.”
“Siguro dalawang kuwintas at dalawang hikaw yun. Pero dagdagan mo ang dadalhin kong alahas para makita niya.”
“Opo Tito.”
KINABUKASAN, dala na ni Kikoy ang mga alahas na ibebenta kay Malou.
Nang makita ni Malou ang mga alahas, nagulat ito.
“Ang gaganda ng mga ito, Kikoy!”
“Oo, maganda talaga ang mga yan, Malou.”
(Itutuloy)
- Latest




















