^

Punto Mo

PDEG SOU4-A, sabit sa buy-bust sa Cavite!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Isinugal ng 14 miyembro ng PNP anti-drugs unit ang kinabukasan ng kanilang pamilya matapos masangkot sila sa kasong rape at robbery-in-band na isinampa ng live-in partner ng isang drug pusher sa Cavite. Walo sa mga suspects, ang inaresto ng Bacoor police sa PDEG SOU4-A office sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna kahapon ng madaling araw.

Kinumpiska ng tropa ni Bacoor police chief Lt. Col. Alexie Desamito ang service firearms ng mga suspects habang hinahanting pa ang anim na kasamahan nila. May ebidensiya ding nakuha sa kanila, kabilang na ang motorsiklo ng target ng kanilang buy-bust operation at more or less 86 grams ng shabu na nagkakahalagang P584,000. Tsk tsk tsk! Mukhang swak sa banga itong mga tiwaling miyembro ng PDEG SOU4-A ah.

Hindi palalampasin ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang pagmamalabis nitong PDEG unit. Dismissal from the police service ang sentensiya dito. Ano sa tingin mo Gen. Nartatez Sir? Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan!

Ganito pala ang nangyari Gen. Nartatez Sir! Itong miyembro ng PDEG SOU4-A, na pinamumu­nuan ni Lt. Ram Rojun Pastor Maristela ay nagsagawa ng buy-bust operation sa bahay ng target nilang drug pusher sa No. 248 Zone 6, Talaba 3, Bacoor City nitong Sabado ng umaga. Tsk tsk tsk! Batam-bata nitong si Maristela, no mga kosa? Mukhang wala pang matanggap ito kahit leave credits lang.

Sa kasamaang palad, hindi nila inabutan ang suspect. Imbes ang inabutan ay ang disiotsong live-in partner nito na si alyas Nena, na isang Grade 9 student. Hindi na naikuwento ng mga kosa ko kung paano nangyari at na-rape itong si Nena. Ang maliwanag lang, hinalughog ng mga PDEG raiders ang bahay at kinulimbat ang sa tingin nila ay ebidensiya, o fruits of the crime. Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Matapos magreklamo si Nena, kaagad ipinadala ni Desamito ang kanyang chief of intelligence na si Capt. Herminigildo Soriano Jr. at nakipag-koordinasyon sa elemento ng RID, RHSU at RMFB upang arestuhin ang mga PDEG raiders. Nabulaga ng tropa ni Desamito ng bandang 2:00 a.m. kahapon sina Maristela, MSgt. Kristian Vega, Cpl’s. Marvin Abella, John Michael Aga, at Ronnie Lising, at Pat’s. Jimmer Vendiola, Crisanto Gicoso, at Jefferson Calma.

Wala pang 24 oras solb kaagad ang kaso. Ganyan kabilis ang pulisya sa paglutas ng kaso sa ilalim ng liderato ni Nartatez. Anong sey n’yo mga kosa? Ang hinahanting pa ay sina Cpl’s. Jerome Roxas, at Dondee Olog, Pat’s. Alexander Verzosa, Edward Tagadtad, Raymart Laciste, at Richard Saet. Sumuko na kayo kundi lagot kayo sa ngitngit ni Nartatez. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Calabarzon police chief Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, natapos ang inventory ng ebidensiya ng mga bandang 5:20 a.m. Sinabi ni Lucas na kinumpiska sa mga suspects ang kani-kanilang service firearms. Nakuha rin ang Ifone 13 at yellow Mio 125 na walang plate number at pag-aari ng biktima. Araguyyy! Kasama sa nabawi ay ang isang knot tied shabu, pink wallet, boodle money at dalawang plate number (RGD9).

Hinatak din ng tropa bi Desamito ang Toyota Innova (SHU704) na ginamit ng PDEG sa buy-bust. Ang on-site inventory ng ebidensiya ay isinagawa sa tulong ng barangay officials. Kakasuhan ang mga suspects sa Bacoor City prosecutors office. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito! Goodbye na lang sa suweldo at iba pang benefits ng mga suspects! Abangan!

PDEG

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with