^

Punto Mo

EDITORYAL - Dahil sa ‘delikadesa’

Pang-masa
EDITORYAL - Dahil sa ‘delikadesa’

USAP-USAPAN pa rin ang sabay na pagbibitiw nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Department of Budget and Ma­nagement (DBM) Secretary Amenah Pangandaman. Maraming nagulat sa kanilang pagbibitiw. Nangyari ito ilang araw makaraang magpasabog si dating Ako Bicol party-list representative kaugnay sa budget insertion para sa 2025 national budget kung saan itinuro si President Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez na nasa likod nito. Binanggit ni Co sina Bersamin at Pangandaman na umano’y tumawag sa kanya at iniutos na magsingit ng P100 bilyon sa budget. Ginawa ni Co ang akusasyon sa serye ng mga video.

Ayon sa Malacañang nagbitiw sina Bersamin at Pangandaman dahil sa “delikadesa”. Sabi ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro agad na tinanggap ni Marcos ang resignation nina Bersamin at Pangandaman. Itinalaga ni Marcos si Finance Sec. Ralph Recto na kapalit ni Bersamin.

Subalit isang araw makaraan ang sinasabing pagbibitiw, sinabi ni Bersamin na hindi raw siya nagbitiw sa puwesto gaya ng mga napaulat. Hinamon niya ang mga nagdadawit sa kanyang pangalan kaugnay sa P100 billion budget insertion para 2025 na kasuhan na lamang siya kung may matibay na ebidensiya. Huwag daw magpakalat ng kung anu-anong balita laban sa kanya. Handa raw siyang sagutin ang anumang reklamo sa korte. Mariing sinabi ni Bersamin na wala siyang kinalaman sa budget insertion. Hindi raw trabaho ng Office of the Executive Secretary ang makialam sa pondo ng ibang tanggapan.

Nagbitiw man o hindi, nararapat na maimbestigahan sina Bersmin at Pangandaman. Mabigat ang akusasyon laban sa kanila at hindi dapat balewalain. Kahit pa nagbitiw sila dahil sa “delikadesa”, hindi ito dapat makapigil sa pagsisiyasat kaugnay sa mga pinasabog ni Co. Ang Office of the Ombudsman ang nararapat magsampa ng kaso sa dalawa. Gawin ang pagsasampa ng kaso sa lalong madaling panahon.

Bukod kina Bersamin at Pangandaman, imbestigahan din si Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin, Education Undersecretary Trygve Olaivar, at Justice Undersecretary Jose Cadiz Jr. Hindi dapat balewalain ang pagdadawit sa mga personalidad na binanggit ni Co at maski ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo. Dito makikita kung seryoso talaga ang pamahalaan sa paglaban sa katiwalian.

LUCAS BERSAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with