^

Punto Mo

Panalangin vs Prayer rally

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

ISA sa makapangyarihang armas ng isang mananampalataya ay ang panalangin, hindi dahil makapangyarihan ang panalangin, kundi sapagkat may makapangyarihang Diyos na dumirinig ng panalangin. Diyos ang sentro ng panalangin kaya’t ito’y sagradong gawain. Ito’y pakikipag-usap at pakikinig sa Diyos upang ipagpasalamat o hilingin ang isang bagay. Sabi ni John Piper, isang American theologican, “Dahil sa panalangin, nangyayari ang mga bagay-bagay na hindi sana mangyayari kundi ipinanalangin.”

Ang mga prayer rallies na tinatawag ng mga religious leaders upang padaluhin ang libu-libong kaanib ay malayo sa konsepto ng dalisay na panalangin na itinuro ng Panginoong Hesus. Sinabi Niya sa Mateo 6:5, “Kapag mananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao...ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.”

Ang itinuro ni Hesus ay isang sinsero, sarilinin at tahimik na panalangin na ang tanging kinakausap ay ang Diyos. Ito ang uri ng panalangin, na ayon mismo kay Hesus, ay pinakikinggan ng Diyos.

Hindi naman masama ang panalanging pampubliko. Sa Filipos 4:6, sinabi ni Pablo sa kalipunan ng mga mananampalataya ang ganito, “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pagpapasalamat.” Bakit malayo ang nasasaksihan nating mga prayer rallies sa uri ng panalangin na itinuro ni Hesus sa mga mananampalataya?

Una, ang panalangin ay paghingi ng pabor sa Diyos. Ang nasasaksihan nating mga prayer rallies ay nauuwi sa pakitaan ng puwersa upang impluwensiyahan ang publiko o sindakin ang nasa katungkulan. Anumang panalangin ay sa Diyos ipinararating, at ang Diyos ay hindi nadadaan sa dami o sindak. Kahit isa lang taong matuwid ang mananalangin ay dinirinig ng Diyos. Sabi sa Kawikaan 15:29, “Pinapakinggan ni Yahweh ang daing ng matuwid, ngunit ang panawagan ng masama ay hindi dinirinig.”

Ikalawa, ang sentro ng panalangin ay ang Diyos na pinatutungkulan ng papuri’t pagpapasalamat. Ang Diyos ang bida mula simula hanggang pagtatapos. Nauuna ang pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos; pumapangalawa lang ang mga kahilingan. Ang nasasaksihan nating mga prayer rallies ay nagtatanghal sa mga personalidad. Hindi na panalangin ang nangingibabaw, kundi mga talumpati ng mga personalidad. Hindi na panalangin ng pagpapasalamat ang umaalingawngaw, kundi mga salita ng pagkundina sa mga taong hindi kapanalig. Hindi na ang Diyos ang bida.

Ikatlo, ang panalangin ay pagsuko sa kapangyarihan ng Diyos. Ito ang pagsukong maghahatid sa tunay na paglaya, ayon sa pamantayan ng Diyos. Ang nasasaksihan nating mga prayer rallies ay paggigiit sa kalayaan, ayon sa itinatadhana ng batas. Ang panalangin ay hindi nakakakilala ng anumang kulay pulitika. Ang nasasaksihan nating mga prayer rallies ay talagang may kulay pulitika: itim versus puti; pula verses dilaw. Ang panalangin ay bumubuo; ang nasasaksihan nating mga prayer rallies ay nangwawasak.

Laban din ako sa korapsiyon. Pero sa ngalan ng katotohanan, huwag nang tawaging prayer rallies ang mga pagkilos-pulitikal ng ilang religious groups. Tawagin na kung ano talaga ang mga ito--mga kilos-protesta.    

PRAYER RALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with