^

Punto Mo

‘Kabayo’ (Part 8)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MULA sa malayo natanaw ko ang nakahanay na mga punong balete. Iyon ang mga puno ng balete na dina­anan ko noon. Pero ang pinagtataka ko, hindi ko dinaanan kanina ang mga punong balete. Bakit dadaanan ko na naman ang mga balete.

Nagpatuloy ako sa pagrenda kay Blackie. Walang ibang daraanan kaya pinasok na namin ang hanay ng mga punong balete.

Pagpasok namin, napansin ko na hindi naiilang si Blackie. Wala siyang kinatatakutan hindi tulad ng huli kaming dumaan na nakatayo ang mga taynga na parang may kinatakutan.

Napansin ko banayad ang paglalakad ni Blackie na para bang namamasyal. Pinitik-pitik ko ang renda para bumilis ang paglalakad ni Blackie. Pero hindi pinansin ni Blackie ang pagpitik ko sa renda at sa halip ay tumigil pa at tila pinagmasdan ang mga nakahanay na punong balete.

Hanggang sa tuluyang tumigil sa paglalakad si Blackie. Talagang nakatayo lang si Blackie.

Nilakasan ko ang pagpitik sa renda para magulat si Blackie. Pero balewala at tila hindi man lang nasaktan sa pagpitik ko.

Anong nangyayari kay Blackie na parang ipinako sa kina­tatayuan.

Tumayo naman ang balahibo ko nang makita na tila may mga matang nakatingin sa akin—galing sa mga punong balete!

(Itutuloy)

KABAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with