^

Punto Mo

‘Kabayo’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PUNONG balete?” nagtatakang tanong ni Lolo Pedro sa akin. Halos hindi kumukurap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

“Opo Lolo. Bakit po gulat na gulat ka?”

“E kasi’y wala namang puno ng balete sa dinaanan mo. Pawang sagingan at kawayanan at saka palayan.”

“E nakahanay po ang mga puno ng balete sa dinaanan ko Lolo. Madilim nga po sa bahaging iyon at napansin kong nakatindig ang mga taynga ni Blackie habang nagdaraan kami. Parang may nakikitang kakaiba si Blackie sa mga punong balete.”
Nakakunot ang noo ni Lolo.

“Bakit po Lolo?”

“Huwag ka munang gagawi sa pinuntahan mo ngayon. Dito ka naman magpunta sa taniman ng lansones, mangga at kasoy. Huwag muna sa sinasabi mong may mga punong balete.”

“Sige po Lolo.”

Tiningnan ako nang makahulugan ni Lolo.

Nakatingin lang si Lola na tila nagtataka.

(Itutuloy)

KABAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with