^

Punto Mo

10 bad habits na nagdudulot ng wrinkles

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Bukod sa 6 to 8 oras ng pagtulog, dapat din isaalang-alang ang posisyon mo sa pagtulog. Iwasan ang posisyong nakadapa dahil ang tendency ng mukha ay maipit sa unan. Ang nangyayari tuloy, nahihigit ang collagen at elastin fibers ng balat hanggang sa lumuwag ito.

2. Mahilig kumunot kaya lumalabas ang linya sa noo. O kaya ay laging nakasimangot kaya lumalalim ang “laugh line”.

3. Kapag naglilinis ng mukha ay walang pakundangan kung kuskusin ito ng bulak na may facial cleanser. Isa ito sa nakakaluwag ng elastin fiber ng balat.

4. Mahilig uminom. Mas malakas uminom ng alak, mas mabilis matuyo ang balat. Ang alak ay diuretic. Ibig sabihin, ito ay nakakaihi kaya marami ang lumalabas na tubig sa katawan na nagdudulot ng tuyong balat.

5. Naninigarilyo. Hindi kailangan ang paliwanag. Kahit bata ay alam na masama iyan kahit saang anggulo.

6. Natutulog na hindi tinatanggal ang make-up. Huwag gagamit ng bath soap sa mukha. Ginawa lang ito para sa katawan na ang balat ay hindi kasingselan ng balat sa mukha.

7. Long hot showers. Masarap sana ito sa gabi pagkatapos ng maghapong nakakapagod na pagtatrabaho. Ngunit tinatanggal ng hot water ang natural oil sa ating balat. Manunuyo ang balat at ang resulta ay wrinkles. Sa halip na mainit, maligamgam na tubig ang ipaligo, maganda pa ito sa anit at buhok.

8. Kadalasan ay unang nagkakaroon ng wrinkles sa paligid ng mata. Huwag itong kalimutang pahiran ng eye moisturizer. Hindi kasi nagpo-produce ng natural oil ang balat sa paligid ng mata. Iwasan din itong kusutin.

9. Kung gaano mo inaalagaan ang iyong mukha sa pamamagitan ng pagpapahid ng moisturizer at sunscreen, ganoon din sana ang pag-aalaga sa leeg, tenga at kamay.

10. Alalay lang sa pagsa-sauna at steam bath. Gawin lang ito paminsan-minsan. Nakakaluwag ng balat ang spa treatment.

WRINKLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with