^

Punto Mo

EDITORYAL - Illegal logging sa Cagayan at Negros provinces, imbestigahan

Pang-masa
EDITORYAL  - Illegal logging sa Cagayan at Negros provinces, imbestigahan

HINDI lamang ang mga palpak na flood control projects ang dahilan nang mga grabeng pagbaha sa bansa, dahilan din ang talamak na illegal logging. Pinutol ang mga kahoy sa bundok na nagsisilbing proteksiyon sa soil erosion. Dahil wala nang mga kahoy, wala nang pananggalang sa baha.

Ngayo’y dalawa na ang dahilan kaya may pagbaha sa maraming lugar sa bansa at nararapat itong tuunan ng pansin.

Ang anomalya sa flood control projects ay ibinuking mismo ni President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of The Nation Address (SONA) noong Hulyo nang sabihin niyang “Mahiya naman kayo!” Pasaring niya ito sa mga nakinabang sa pondo para sa flood control projects.

Si Marcos din ang nagbisto sa 15 private contractors na nakakuha nang malalaking proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Bilyong piso na laan sa flood control projects ang naibulsa ng contractors kasabwat ang mga korap na DPWH officials at engineers.

Nang bisitahin ni Marcos ang flood control projects sa Bulacan, nagalit siya sapagkat walang nakita roon ni isang hollow block. Kasunod niyon ang pagbulgar pa sa maraming palpak na flood control projects sa ma­raming lugar sa bansa. Nabayaran na ang contractors subalit walang nagawa ni isang poste ng proyekto. Sabi ni Marcos nang bisitahin ang flood control project sa Bulacan, hahabulin at pagbabayarin ang contractors. Sila ang dahilan kaya may mga pagbaha. Pawang palpak ang flood control projects sa kabila na bilyones ang halaga ng kontrata. Pawang substandard ang mga proyekto na inamin ng DPWH engineers sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Subalit nang magkasunod na tumama sa bansa ang mga Bagyong Tino at Uwan, nabatid na hindi lamang ang mga substandard o palpak na flood control projects ang dahilan ng baha. Itinuturong dahilan din ang illegal logging. Sa Cebu, Negros Oriental at Occidental na pininsala ni Tino, mahigit 200 ang namatay dahil sa baha. Isang bundok sa Cebu na tinayuan ng villas at nilagyan ng terraces ang sinasabing dahilan ng “killer floods”.

Bumaha naman ang mga troso sa dalawang Negros province. Noon pa, problema na ang talamak na pagputol ng mga puno sa dalawang probinsiya. Patuloy pa hanggang ngayon ayon sa mga residente.

Nang manalasa si Uwan, mga troso rin ang inanod at bumangga sa mga bahay sa Tuao, Cagayan. Sabi ng mga residente, ang mga troso na galing sa kabundukan ang tumama at nagwasak sa kanilang mga bahay.

Hindi lamang sa palpak na flood control projects dapat magpokus ang pamahalaan sa illegal logging. Pangunahan ito ng DENR.

BANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with