Flocerfida (206)
TINUNGO ni Kikoy ang bintana at sinilip ang narinig nilang nag-uusap.
Mga tao—anim ang nakita niyang nasa gate ng bahay. Nag-uusap ang mga ito pero hindi niya marinig ang pinag-uusapan.
Bumalik siya sa mesa at sinabi kay Dang ang nakita.
“Anim na tao ang nasa gate. Nag-uusap.”
“Diyos ko. Baka magnanakaw!”
“Hindi naman siguro. Palagay ko mga tanod. Halika tingnan mo.”
Tiningnan ni Dang ang mga tao.
“Mga tanod nga sila, Tito. Namumukhaan ko ang isa sa kanila.”
“Wala pala tayong dapat ikabahala.”
“Lalabas pa ba ako Tito?”
“Huwag na. Hindi naman sila tumatawag.”
“Sabagay nga Tito.”
“Palagay ko nagtsitsek lang sila at baka may masasamang loob.”
“Siguro nga Tito.”
Maya-maya, nag-alisan na ang mga tanod”
Napanatag si Dang.
(Itutuloy)
- Latest



















