^

Punto Mo

‘Kabayo’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ito noong ako ay 16-anyos at nasa first year college. Tuwing Abril na bakasyon sa school ay madalas akong nagbabakasyon sa probinsiya sa bahay ng aking Lolo Pedro at  Lola Nita na mga magulang ng aking papa. Hindi naman mayaman sina Lolo at Lola pero marami silang alagang kabayo. Karamihan sa mga alagang kabayo ni Lolo ay hindi nakatali at malayang nakagagala sa ilang ektaryang lupa na ang nakatanim ay mga saging at niyog at meron ding palayan.

Tuwang-tuwa ako at excited magbakasyon kina Lolo dahil makakasakay na naman ako sa kabayo.

Si Lolo ang nagturo sa akin na sumakay sa kabayo. Kailangang maging balance ang katawan kapag nakasakay sa kabayo para hindi mahulog. Madulas ang balahibo ng kabayo kaya dapat laging alerto para hindi mahulog sakali’t magulat ang kabayo.

Paborito kong sakyan ang kabayo na may pangalang Blackie. Itim na itim ang balahibo ni Blackie.

(Itutuloy)

KABAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with