Flocerfida (202)
NAHUKAY ni Kikoy ang stainless case na kinalalagyan ng alahas. Inangat ni Kikoy mula sa hukay.
“Mabigat!” sabi ni Kikoy.
Ipinatong niya ang case sa mesa.
Binuksan. Natambad ang maraming alahas—pawang Saudi gold. May singsing, kuwintas, hikaw, pulseras at iba pa.
“Parang walang bawas ito ah!”
“Oo nga Tito. Pero ang alam ko, kumuha na rito si Lolo.”
“Baka naman iniinspeksiyon lang niya.”
“Sabagay hindi ko naman nakitang lubusan dahil wala pa akong muwang ukol dito. Ngayon na lang ako nagkaroon ng interes dahil sa nabasa mo sa sulat ni Papa.”
Sinusuri ni Dang ang mga alahas nang may mapansin sa ilalim ng case.
“Ano yun, Tito?”
(Itutuloy)
- Latest















