^

Punto Mo

‘Manika’ (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAUPO sa tapat ko ang mag-ina. Ang kasamang anak na babae na sa tantiya ko ay tatlong taong gulang ay may hawak na manika. Bagong bili siguro ang manika dahil napansin kong bago ang damit. Kalong ng bata ang manika.

Hindi ako mapa-kali sa pagkakaupo. Gusto ko nang bu­maba sapagkat umatake na naman ang takot ko sa manika pero malayo pa ang sa amin. Matindi rin ang sikat ng araw.

Pinipilit kong huwag sumulyap sa manika pero dahil magkatapat lang kami ng bata na may hawak ng manika, napapatingin pa rin ako. Matataba ang braso ng manika na sa tantiya ko ay kasinglaki ng braso ng bata.

Nasulyapan kong kinakausap ng bata ang manika. Aliw na aliw ang bata sa manika.

Ako naman ay hindi mapakali sa pagkakaupo. Palagay ko, napapansin ako ng ina ng bata.

Napansin ko na mabilis ang takbo ng sinasakyan naming dyipni. Parang may hinahabol.

Hanggang isang kalabaw ang tumawid sa kalsada. (Itutuloy)

DOLL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with