Flocerfida (199)
SUMAKAY sina Kikoy at Dang sa bus na patungong San Pablo. First trip. Makalipas ang kinse minutos, umalis na ang bus kahit hindi pa puno. Siguro’y mamimik-ap ng pasahero sa daraanan.
“Mga alas siyete ay nasa San Pablo na tayo, Tito.”
“Sana ay walang abala sa daan para maaga tayong makarating.”
“Balak mo bang bumalik agad tayo sa Maynila, Tito?”
“Depende. Kung makukuha agad natin ang mga alahas, babalik agad tayo. Pero kung hindi, bukas ng umaga na.”
“Sige Tito.”
Ang sumunod na tanong ni Dang ang ikinagulat ni Kikoy.
“Matagal ba kayong naging magkaibigan ni Papa, Tito?”
“Hindi.”
“Akala ko po matagal dahil ikaw pa ang nagdala ng sulat niya.”
“Hindi kami closed ni Papa mo. Nagkakabatian lang kapag nagkakasalubong sa tirahan namin.”
“Sabi ni Lolo, marami raw kaibigan si Papa, totoo po ba?”
“Oo.”
“Pero hindi po yata mga tapat sa kanya.”
(Itutuloy)
- Latest


















