^

Punto Mo

‘Manika’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI na inilabas sa bakanteng kuwarto kahit kailan ang manika na regalo ng aking Ninang Nerry.

“Huwag kang papasok sa kuwarto Marie para hindi mo makita ang manika,’’ sabi ni Papa.

“Opo,” sagot ko habang pinapahid ang luha.

“Mabuti pa nga e dun na lang sa kuwarto ang manika para hindi matakot si Marie,’’ sabi ni Mama.

“Inilagay ko sa loob ng aparador para safe,” sabi ni Papa.

“Ang worry ko ay baka dalawin ako ni Mareng Nerry at itanong ang manika,” sabi ni Mama.

“E di sabihin mo na ang totoo.”

“Na may phobia sa manika si Marie?”

“Oo—mas tama ‘yun sa palagay ko kaysa naman sa itatago ang nararanasan ng anak mo. Malay mo may ipayo si Mareng Nerry.”

Napatangu-tango si Mama sa sinabi ni Papa.

“Kasi wala tayong magagawa sa nararanasan ni Marie. Ipagtapat mo na ang totoo kay Mareng Nerry.”

“Oo ‘yun ang gagawin ko.”

Lalong napanatag ang loob ko sa pasya nina Papa at Mama. Sa isip ko, tila wala nang solusyon sa nararanasan kong phobia sa manika.

(Itutuloy)

DOLL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with