^

Punto Mo

EDITORYAL — Perwisyong Dolomite Beach

Pang-masa
EDITORYAL — Perwisyong Dolomite Beach

NAKAPEPERWISYO ang Dolomite Beach sa Maynila. Mula nang gawin ang artipisyal na beach sa Manila Bay, malulubhang baha na ang nangyayari sa mga pangunahing kalsada sa Maynila particular ang Taft Avenue, Remedios at Padre Faura.

Ang Dolomite Beach ay ginawa noong 2021 bilang bahagi ng Manila Bay Beautification Project ng Duterte admininistration. Tinambakan ng puting buhangin na binili sa Cebu. Gumastos ang pamahalaan ng P389 milyon. Binatikos ang Department of Envronment and Natural Resources (DENR) sa Dolomite Beach dahil sobrang mahal na proyekto.

Ang mga problemang ito ang nasilip ng House Committee on Public Accounts kaya magsasagawa sila ng imbestigayon na itinakda sa Nobyembre 17. Ayon kay Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, bukod sa mga pagbaha na nangyayari sa Maynila aalamin din ng komite kung kailangan ba talaga ang proyekto alinsunod sa Manila Bay Sustainable Deve­lopment Master Plan gayundin ang mandamus ruling ng Supreme Court sa rehabilitation ng Manila Bay.

Sinabi pa ni Ridon na sisilipin din ng komite ang mga alternatibong pamamaraan o solusyon para paigtingin pa ang paglilinis, rehabilitasyon at pagpepreserba sa Manila Bay.

Problema ang baha sa Maynila na lalo pang lumala dahil sa ginawang pagtatambak sa bahagi ng Manila Bay. Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), kapag tag-ulan, hindi raw kayang ilabas ang tubig-baha kaya naiipon sa Padre Faura, Remedios at Taft Avenue. Isinara rin umano ang Estero San Antonio Abad. Dapat daw mabuksan ang mga drainage outfall tuwing tag-ulan at nang mabilis na lumabas ang tubig.

Nasayang ang pera ng bayan sa Dolomite Beach. Isa pang kapalpakan ng Dolomite Beach, hindi na ito kaakit-akit sapagkat maraming basurang plastic ang naroon—sache ng shampoo, 3-in-1 coffee, cup ng noodles, plastic bottle ng softrdrinks at iba pa. Ang mga basura ay iniluwa ng mga ilog at estero sa Manila Bay.

Kung sa halip na tinambakan ng buhangin, tinaniman na lang sana ng bakawan ang bahaging iyon at baka malaki ang naitulong sa pagpapanatili ng kalikasan. Malaking tulong ang mga bakawan sa dalampasigan sapagkat pinuproteksiyunan ito sa hampas ng alon. Walang napala sa Dolomite Beach. Nakaperwisyo pa dahil sa baha.

DOLOMITE BEACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with