‘Manika’ (Part 5)
NANG malapit nang mabuksan ni Mama ang box ng manika, bigla akong nagsisigaw at umiyak. Malakas!
Gulat na gulat si Mama na halos mabitawan ang binubuksang box ng manika.
“Marie! Marie! Anong nangyayari sa iyo!”
Pero sa halip na tumigil ako sa pag-iyak at pagsigaw lalo ko pang itinodo ang pag-iyak.
Binitawan ni Mama ang box ng manika at niyakap ako.
“Anong nangyayari sa iyo anak ko?”
“Mama huwag mo nang buksan ang box! Natatakot talaga ako Mama!”
“Oo! Hindi ko na bubuksan! Tumigil ka na anak.”
Tumigil ako pero nanginginig ang buong katawan ko.
Hanggang dumating si Papa. Nagtataka.
“Anong nangyayari?”
“Nagsisigaw at umiyak nang malakas si Marie habang binubuksan ko ang box ng manika.”
Dinampot ni Papa ang kahon at dinala sa bakanteng kuwarto.
Napayapa ako. (Itutuloy)
- Latest















