Manika (Part 4)
“E paano ang sasabihin mo kapag tinanong ka ni Ninang Nerry mo tungkol sa manika. Babalik yun dito at tiyak na kukumustahin ka,’’ sabi ni Mama na halata sa boses ang pag-aalala sa akin kaugnay sa pagkatakot ko sa manika.
“Ikaw na po ang bahala, Mama.”
“E tiyak na tatawagin ka nun.”
“‘Pag dumating po si Ninang e lihim akong aalis at pupunta sa bahay ng classmates ko. Sabihin mo po na gumagawa kami ng assignment.”
“Aba gagawin mo pa akong sinungaling.”
“E ano ang gagawin ko, Mama?”
“Sige ako na bahalang gumawa ng paraan.”
“Salamat Mama.”
“Pero dapat makita mo man lang ang itsura ng manika na binigay ng iyong ninang.
Paano kung magkita kayo sa kung saan at tanungin kung ano ang itsura ng manika, ano ang isasagot mo. Buksan natin ang manika para makita mo. Kahit sulyapan mo lang.”
“Sige Ma,’’ sabi ko kahit laban sa kalooban ko na makita ang manika na regalo ni Ninang Nerry.
Sinimulang buksan ni Mama ang box ng manika. Kinakabahan ako.
Nang malapit nang mabuksan ang box, may nangyari! Hindi ko akalain.
(Itutuloy)
- Latest




















