^

Punto Mo

‘Manika’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BUKSAN mo na Marie ang box para makita mo ang manika na regalo ni Ninang Nerry mo,’’ sabi ni Mama.

Hindi pa rin ako kumilos. Nanatili akong nakatingin kay Mama.

“Ano bang nangya­yari sa’yo Marie? Hindi ka ba natutuwa na niregaluhan ka ng manika?”

“Ayoko ng manika, Mama!” sabi kong maiiyak.

“Bakit?”

“Natatakot ako sa manika!”

“Anong nangyayari sa iyo, Marie? Bakit ka natatakot sa manika?”

“Hindi ko alam Mama! Basta natatakot ako sa manika! Ayoko ng manika!” sabi ko at tuluyan nang umiyak. Huma­gulgol ako. Ibinuhos ko ang matagal nang kinikimkim na pagkatakot sa manika.

Niyakap ako nang mahigpit ni Mama. Naramdaman ko ang awa niya sa aking kalagayan.

“Kailan ka pa nagkaroon ng takot sa manika, Marie.”

“Mula pa po nung Grade 1 ako Mama. Kapag dinadala ng mga classmate ko ang manika nila sa school, nakakaramdam ako ng takot. Basta ganun ang nararamdaman ko.”

Napabuntunghininga si Mama. Proble­mado siya. (Itutuloy)

MANIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with