^

Punto Mo

EDITORYAL - Dekalidad na ­edukasyon para sa mga Pilipino

Pang-masa
EDITORYAL - Dekalidad na ­edukasyon para sa mga Pilipino

NOONG Miyerkules, nilagdaan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12313 na nagtatatag ng Lifelong Learning Development Framework (LLDF). Layunin ng LLDF na isulong ang universal literacy at mapalawak ang access sa dekalidad na edukasyon para sa lahat ng mga Pilipino.

Nakasaad sa nilagdaang batas, na ang LLDF ang magiging gabay sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng lifelong learning program sa mga lungsod, munisipalidad, barangay, at iba’t ibang institusyong pang-edukasyon sa buong bansa.

Sa ilalim ng batas, magkakaroon ng access sa early childhood care education—mula primary hanggang tertiary level. Magkakaroon din ng access sa adult education at technical-vocational education. Magbibigay din ng suporta sa mga underrepresented at marginalized groups. Ang pagkakalagda sa RA 12313 ay labis na pinuri ni Education Sec. Sonny Angara.

Noong Oktubre 18, 2024, nilagdaan ni Marcos Jr. ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act na naglalayong tugunan ang mga kakulangan sa pagkatuto dulot nagdaang pandemya. Ang ARAL Act ay prayoridad na hakbang na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ito ay para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 10, partikular na bumalik o nagbabalik sa paaralan matapos magpahinga. Gayundin ang mga hindi umabot sa minimum na antas ng kasanayan sa pagbasa, matematika at agham; at ang mga bumabagsak sa mga pagsusulit batay sa buong taon ng pag-aaral.

Masigasig ang pamahalaan na mapaunlad ang kaalaman ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pag-aaral. Matugunan na rin sana ang kakulangan ng mga silid-aralan sa buong bansa. Ngayong nabulgar na ang kabuktutang ginagawa ng DPWH kaya nagkukulang ang classrooms, malutas na sana ito sa lalong madaling panahon. Huwag nang iasa sa DPWH ang paggawa ng mga silid-aralan sa pagkakataong ito. Huwag ikumpromiso ang edukasyon ng mga kabataan.

Mag-hire din ang DepEd ng mga mahuhusay na guro upang mahasa ang kaalaman ng mga bata sa Science, Math at Reading Comprehension. Nakaaalarma ang mababang performance ng mga estudyante sa tatlong nabanggit na subjects na nakita sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA).

Naalarma si Marcos sa resulta kaya ipinag-utos niya sa Department of Education (DepEd) na tutukan ang pagsasanay sa mga guro, sapat na nutrisyon ng mga estudyante at ang pagpapahinto sa mga nangyayaring bullying sa school.

Harinawang maging mabunga ang pagsisikap ng pamahalaan na magkaroon nang mahusay at may dekalidad na edukasyon ang mga Pilipino.

ARAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with